Pokec Playlisty

Agila (Haring Ibon) - text

playlist Playlist
Nais kung lumipad tulad ng agila
At lumutang lutang sa hangin
Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan
Ngunit ito ay panaginip lang at maaring di matupad
'Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala
Mga puno nito'y nangingibang bayan
At 'pag walang puno wala na ring mapupugaran
Kapag ang agila'y walang pugad
Wala na syang dahilang lumipad
Oh haring ibon, hari kung tunay
Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay
Kung nais mong makakita ng agila
H'wag kang tumingala't tumitig sa langit
'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan
Ang iba'y nabihag na
Ang natitira'y bihirang magpakita
Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak
Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe
At sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat
Ang lahi ba nila'y tuluyan ng mawawala
Oh haring ibon, hari kung tunay
Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay (2x)

Text pridala WoOmaN11

Video přidala monciiiceeek

Tento web používá k poskytování služeb, personalizaci reklam a analýze návštěvnosti soubory cookie. Používáním tohoto webu s tím souhlasíte. Další informace.